Sunday, November 16, 2008

Sa Bisig

Maliit at malaki
Mainit at malamig
Masaya at malungkot
'Di nag-aabot
'Di nagkakaisa
Walang ibang ibig
Kung 'di pasakit at pait

Umiwas man, ay 'di mapigilan
dahil lagi siyang andyan
Tunggaliang 'di mamataymatay
Maliban lamang
sa bisig ni Kapayapaan
Kung saan, poot at pait
ay naglalaho
unti-unti