Iniisip ng nakararaming maibsan ang hirap na dinadanas,
Ngunit, sa kalauna’y nagbubunga ng malas,
Mala-disyerto man ang dagat ng aking karimlan,
Walang musmos na makapapawi sa aking nalalaman,
Mga gintong araling ugat sa dusa ng inang bayan,
Ibig na pinagsamantalahan ang pusong nasasaktan,
Nabatobalani man ang mga pirata’t sinakop ang aking minamahal,
Kalikasan at kayamanan, nito’y nawala
Ninakaw ang araw na sa langit nahimlay,
Hindi mapakali, hindi mapigil, kahit magbingi-bingihan,
Wala pa ring tigil,
Ako ay kailangang magsalita’t magpamulat
Nang ‘di malubugan’g araw ang kinabukasang sisikat
Hindi mo man alam kung ano’ng gumagala sa mundo,
Ikaw pa rin ay apektado,
Wala ka mang kamuwang-muwang sa isip at ibig ng iba,
Ikaw rin ay parte sa madlang abala,
Ibig mo mang isiping walang halaga,
Ang mga opinyon mo sa iba,
May karapatan kang magsalita,
Bukambibig mo’y siyang kamulatan ng karamihan.
Maselan, alam ko
Nakakatakot ipaalam ‘to
Para sa Perlas ng Silangan,
Sa aking obra ibubunyag,
Mga taksil sa bayang sinisilayan,
Ito’y pagsamantalahan at kagat-labing suriin,
Matakot man ang iba’y ‘wag tumabi
Dahil batid mo ang ‘di makitang kaguluhan
Sa iyong pagmulat sa katotohanan
Sa dagok ng kapalaran,
Ikaw ngayon ay saksi na rin
Isang mata ng lipunang naghihingalo sa mga pasanin,
Ngayon, ikaw ay isa na sasaklaw sa madlang agaw-buhay ang sitwasyon
Saklaw ka sa mga matang nakikita na ang katotohanan
Saklaw kang maging isa sa labanan
Saklaw ka sa mga taong lumalaban
Sa nag-iisa nating Perlas ng Silangan.
No comments:
Post a Comment